Base sa isang memorandum circular na inisyu noong Mayo 5, ang bagong floor price para sa isang pakete ng sigarilyo ay P114.60 habang ang isang ream ay nagkakahalaga na ngayon ng P1,146.00.
MANILA, Philippines — Nagpatupad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng adjustment sa presyo ng sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine, at non-nicotine products.
Base sa isang memorandum circular na inisyu noong Mayo 5, ang bagong floor price para sa isang pakete ng sigarilyo ay P114.60 habang ang isang ream ay nagkakahalaga na ngayon ng P1,146.00.
Ang minimum price naman ng isang pakete ng heated tobacco products ay ini-adjust din sa P120.40.
Para naman sa vapor products, ang pod ng nicotine salt ay may minimum price na ngayon na P200 para sa 2ml at P354.97 para sa 4ml.
Ang isang bote ng conventional freebase o classic nicotine ay nagkakahalaga ng P179.20 (10ml), at P403.20 (30ml).
Ayon sa BIR, ang naturang bagong floor price o minimum retail price ay base sa kabuuan ng production cost o ng total landed cost, at ng total ng excise tax at value-added tax (VAT) ng tobacco product.
Nagbabala si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang pagbebenta ng tobacco products sa mas mababang halaga kumpara sa pinagsamang excise taxes at VAT na ipinaiiral sa ilalim ng bansa, ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ang sinumang lalabag dito ay papatawan ng kaukulang multa sa ilalim ng mga probisyon ng National Internal Revenue Code of 1997, as amended.
Source: PhilStar
Mer Layson – Pang-masa May 19, 2023 | 12:00am
Adjustment sa presyo ng yosi at vape, ipinatupad ng BIR | Pang-Masa (philstar.com)

